Sabado, Disyembre 22, 2012

Pagtatag ng Roman Empire

Buhat sa Mataas na Gitnang Panahon, ang Imperyo ay natapakan ng mga paglalaban-laban ng mga prinsipe ng mga lokal na sakop upang mapasakamay ang malalawak na lupain. Kumpara sa mga malalaking kahariang nakontrol ng mga gitnang Pransiya at Inglatera, ang mga Emperador ay nagkaroon ng mahinang kapangyarihan naman sa mga nasakop nito. Upang mapanatili ang kanilang interes at soberanya sa mga lupang ito, nagtalaga ang mga Emperador ng mga maharlika at maging mga obispo upang pamahalaan ang mga ito. Ang prosesong ito ay nagsimula noong ika-11 siglo sa pamamagitan ngKontrobersiya sa Pagpapatibay (Investiture Controversy) at malamang na nagtapos noong 1648 dahil sa Kapayapaan sa Westphalia. Ilang mga Emperador na ang tumalikwas sa patakarang ito ngunit sinasalungat naman ng Kapapahan at mga prinsipe ng Imperyo pabalik sa dati.


Hari ng mga Romano
Ang napipisil na hari na maging Emperador ng Imperyo ay tinatalaga munang Hari ng mga Romano ('Rex romanorum' / 'römischer König'). Ang mga haring Aleman ang naluklok sa mga puwesto buhat sa hindi matandaang panahon: noong ika-9 na siglo sa mga hari ng mga importanteng tribo (Prankong Salian ng Lorraine, Prankong Ripuarian ng Franconia, at mgaSakson, Bavarian at mga Swabian); nang tumagal ay mga duke at obispo ng kaharian; at sa wakas ay mga Kurfürsten (dukeng bumoboto o nanghahalal). Ang konseho ng mga mamboboto ay opisyal na binuo noong 1356 ng Hari ng Bohemia na si Charles IV sa pamamagitan ng dikretong Gintong Batas ng 1356. Noong una, ang konseho ay binubuo ng pitong manghahalal: ang Kondeng Palatin ng Rino, ang Hari ng Bohemia, Duke ng Saxony, ang Magreib ng Brandenburg, at mga Arsobispo ng Cologne, Mainz, at Trier. NoongTatlumpung Taong Digmaan, ang Duke ng Bavaria ay nabigyan ng upuan bilang ikawalong mamboboto. Ang sinumang kandidato sa pagka-Emperador ay kinakailangang magbigay ng lupa o anumang ari-arian sa konseho upang masiguro ang kanilang pagkapanalo.
Sa maraming pagkakataon, ang botohan ay tumatagal ng maraming tao dahil sa iba't ibang mga usaping kinakaharap ng napipisil na Hari: kailangan niya munang sugpuin ang mgarebelyon na nagaganap sa hilagang Italya, o maaaring may hindi pakikipag-unawaan sa mismong Santo Papa. Ang mga nahuling Emperador ay kinoronahan na ng Papa, at ang huling pinutungan ng Papa ay si Charles V noong 1530.
Ang Emperador ay kinakailang mabuting tao na may gulang 18, at ang lahat ng kanyang ninuno ay dapat bahagi ng dugong bughaw. Walang batas ang umaasa na dapat siyang Katoliko ngunit iyon na ang nakagawian ng Imperyo. Hindi niya kailangang maging Aleman (halimbawa ay si Alfonso X ng Castile na isang Espanyol). Sa bahaging ika-17 siglo, ang lahat ng mga Emperador ay nagkaroon na ng sakop sa loob ng Imperyo bago pa mahalal, halimbawa ay si Louis XIV ng Pransya.
Ang Emperador ay hindi nararapat padalus-dalos sa pagtibay ng mga kautusan at batas, gayunding limitado ang pangkalahatang kapangyarihan niya sa Imperyo. Ang kapangyarihan niya ay nililimitahan ng mga lokal na pinuno: pagkatapos ng huling ika-15 siglo, tinayo ang Reichstag, isang asembleya na nagkikita kapag ginusto ng Emperador sa iba't ibang lugar. Noong 1663 lamang naging isang permanenteng lupon ang Reichstag.

Mga lupain ng Imperyo

Ang isang lupain ay tinuturing na Reichsstand (lupain ng Imperyo), kung ayon sa batas Piyudal, ay kung wala ritong namumuno maliban na lamang sa mismong Emperador. Ito ay kinabibilangan ng mga:
  • Mga teritoryong pinamumunuan ng mga prinsipe o duke, at sa ibang kaso ay mga hari. Ang mga pinuno ng Imperyo, maliban na lamang sa Hari ng Bohemia na isang mamboboto, ay hindi pinahihintulutang maging hari sa loob ng Imperyo ngunit mayroon naman silang mga kaharian sa labas ng Imperyo. Halimbawa ay ang Kaharian ng Gran Britanya na ang pinuno ay ang prinsipeng-elektor naHanover hanggang sa sirain ang Imperyo noong 1714.
  • Mga teritoryong piyudal na pag-aari ng mga klerigo, o mga prinsipe ng Simbahan. Sa pangkaraniwang kaso ng Prinsipeng Obispo, ang teritoryong ito ay tumutumpak sa kapangyarihan nito sa Simbahan–kaya't lalong lumalawak ang kapanyarihan ng isang obispo.
  • Mga Malayang Siyudad ng Imperyo.
Mapa ng Holy Empire




Ang paglaganap ng Kristiyanismo
BAGO umakyat sa langit si Jesu-Kristo noong 33 C.E., ibinigay niya sa kaniyang mga tagasunod ang atas na ito: “Kayo ay magiging mga saksi ko kapuwa sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria at hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.” (Gaw 1:8) Naging tapat sila sa kanilang atas.
Pagkaraan ng sampung araw, noong Pentecostes, bumaba ang banal na espiritu sa mga 120 alagad na naghihintay sa Jerusalem, at nagsimula silang magsalita “tungkol sa mariringal na mga bagay ng Diyos.” (Gaw 2:1-4, 11) Nang araw ring iyon, mga 3,000 ang nabautismuhan. (Gaw 2:37-41) Sa loob ng maikling panahon, ‘pinunô ng mga alagad ng kanilang turo ang Jerusalem.’ (Gaw 5:27, 28, 40-42) Ano ang naging resulta? “Ang bilang ng mga alagad ay patuloy na lubhang dumami sa Jerusalem.”—Gaw 6:7.
Mula sa Jerusalem, ang gawaing pagpapatotoo ay lumaganap. Dahil sa pagsalansang sa kanilang pagpapatotoo sa Jerusalem, ang mga alagad ay nangalat sa buong Judea at Samaria. Muli, nagbunga ito ng pagdami.—Gaw 8:1, 4, 14-17.
Noong 36 C.E., dinala ng apostol na si Pedro ang mabuting balita sa Cesarea, kung saan si Cornelio at ang kaniyang sambahayan, ang unang di-tuling mga Gentil na nakumberte, ay binautismuhan. (Gaw 10) Kasunod niyaon, lumilitaw na nagsimula sa Antioquia ng Sirya ang sistematikong pagpapatotoo sa mga di-Judio. Bilang resulta, “isang malaking bilang ng mga naging mananampalataya ang bumaling sa Panginoon.” (Gaw 11:20, 21) Mula noon, ang gawaing pagpapatotoo ay lumaganap sa iba pang mga bansa at literal na umabot “hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.”
Organisasyon ng Simbahan
Ang Simbahang Katoliko Romano o Simbahang Katoliko (o Simbahang Katolika)[1] ay isangKristiyanong simbahan na nasa buong kapisanan kasabay ng Obispo ng Roma, na kasalukuyan ay angSanto Papa, si Benedicto XVI. Gaya ng ibang mga denominasyon ng Kristiyanismo, binabakas ng Simbahang Katoliko Romano ang pinagmulan nito sa orihinal na pamayanang Kristiyano na itinatag niHesus at ipinalaganap ng mga Labindalawang Apostol, partikular na si San Pedro.[2][3]
Ang Simbahang Katoliko Romano ay ang pinakamalaking simbahang Kristiyano, na nagkakatawan sa kalahati ng lahat ng mga Kristiyano, at ang pinakamalaking organisadong unit ng anumangpananampalataya sa mundo.[4] Ayon sa Statistical Yearbook of the Church, ang bilang ng nakatalang pandaigdigang kasapi ng Simbahang Katoliko sa katapusan ng 2005 ay 1,114,966,000, na malapit sa ika-anim na bahagi ng populasyon ng mundo.[5][6][7]
Ang pandaigdigang Simbahang Katoliko ay binubuo ng isang Latin o Kanluranin at 22 Silanganing Katolikong nagsasariling simbahang partikular, kung saan lahat ay tumitingala sa Papa, na mag-isa o kasama ng Kolehiyo ng mga Obispo, bilang kanilang pinakamataas na autoridad sa daigdig sa mga paksa ng paniniwala, mga asal at ng pansimbahang pamamahala.[8] Nakahati ito sa mga nasasakupang pook, karaniwan sa batayang teritoryal. Ang pamantayang teritoryal na yunit ay itinatawag na diyosesis sa simbahang Latin at eparkiya sa mga Silanganing simbahan. Ang bawat diyosesis o eparkiya ay nasa pamumuno ng isang obispo, patriyarka o eparko. Sa katapusan ng 2006, ang buong bilang ng lahat ng itong mga nasasakupang pook ay 2,782. 
Mga Krusada
Inilunsad ni Papa Urban II ang Unang Krusada noong 1095 nang makatanggap ito ng apela mula sa emperador na Byzantine na siAlexius I Komnenos upang pigilan ang mga pananakop ng Turko. Si papa Urban II ay naniwala na ang Krusada ay makakatulong upang magdulot ng rekonsilyasyon sa Silanganing Kristiyanismo.[84][85][86] Ang sermon ni Urban II as Clermont ang simula ng walong buwang pangangaral na isinagawa ng papa sa buong Pransiya na humihimok ng banal na digmaan at humimok sa mga Kristiyano na ipagtanggol ang Byzantine laban sa mga Muslim. Siya ay nagpadala rin ng mga mangangaral sa buong Kanluraning Europa upang ipalaganap ang tungkol sa Krusada. Ang pangangaral na ito ni Urban II ay humimok ng isang pagsiklab ng karahasan laban sa ma Hudyo. Sa Pransiya at Alemanya, ang mga Hudyo ay nakita na mga kaaway ng mga Kristiyano gaya ng mga Muslim at pinaniniwalaang responsable sa pagpapapako kay Hesus. Ang sunod sunod na mga kampanyang militar na tinatawag na mgakrusada ay nagsimula noong 1096. Ang mga ito ay nilayon upang ibalik ang Banal na Lupain(Israel) sa kontrol ng mga Kristiyano. Ang layuning ito ay hindi naisakatuparan at ang mga episodyo ng brutalidad na isinagawa ng mga hukbo ng parehong panig ay nag-iwan ng isang legasiya ng mutual na kawalang pagtitiwala sa pagitan ng mga Muslim at mga Kristiyano.  Ang mga nagkrusada ay nabigo na magtatag ng mga permanenteng estadong Kristiyano sa Banal na Lupain. Ang pagsalakay sa Constantinople noong Ikaapat na Krusada ay nag-iwan sa mga Kristiyano sa Silanganin na mapoot sa kabila ng pagbabawal ni Papa Inosento III ng anumang gayong pag-atake.[90] Noong 1199, kasunod ng Ikatlong Krusada, inatas ni Inosente III na palayain ng mga nagpautang na Hudyo ang mga nagkrusada. Maraming mga nagkrusada ay nangailangan mangutang sa mga Hudyo upang bumili ng mga sandata para sa Krusada. Ang batas sa Pransiya noong ika-13 siglo ay nagrereplekta sa mga pagsisikap ng Simbahang Katoliko na buwagin ang mga pagpapautang ng mga Hudyo. Ang patakarang ito ay may malalang epekto sa mga Hudyo ng Pransiya dahil ang pagpapautang ang isa sa kakaunting tanging mga bukas na trabaho para sa kanila. Ang papa ay tumawag rin ng panloob na Krusada laban sa mga hindi mananampalataya ng Katolisismo, lalo na ang mga heretiko ng katimugang Pransiya. Ang masaker ng mga libo libong heretiko sa Bezier, Pransiya noong 1209 ay humantong sa pagmamasaker ng mga 800 Hudyo. Ang Ikaapat na Krusada na may autorisasyon ni Papa Inosente III noon 1202 na nilayong muling kunin ang Banal na Lupain ay sandaling pinabagsak ng mga Venetian na gumamit ng mga pwersa upang salakayin ang siyudad na Kristiyano ng Zara. Kalaunan, ang mga nagkrusada ay dumating sa Constantinople ngunit sa halip na tumuloy sa Banal na Lupain ay sinalakay ang Constantinople at ibang mga bahagi ng Asya menor na nagtatag ng Imperyong Latin ng Constantinope sa Gresya at Asya minor. Noong 2001, si Papa John Paul II ay humingi ng tawad para sa mga kasalanan ng Katoliko kabilang ang pagsalakay sa Constantinope noong 1204. [91] Ang mga impluwensiya at reporma ng monghengCistercian na si Bernard ng Clairvaux ay nagtulak kay Papa Alexander III na magpasimula ng mga reporma na humantong sa pagkakatatag ng batas na kanon ng Romano Katoliko.  Noong ikalabingdalawang siglo, ang Pransiya ay nakasaksi ng paglago ngCatharismo sa Languedoc, Pransiya. Ang Catharismo ay isang sektang Kristiyano na may pilosopiyang neo-manichean. Pagkatapos na akusahan ang mga Cathar ng pagpatay sa isang legato ng papa noong 1208, si Papa Inosente III ay nagdeklara ng Krusadang Albigensian na nag-aalok ng mga lupain ng mga heretikong Cathar sa sinumang Maharlikang Pranses na makikidigma sa mga Cathar. Ang karahasan nito ay humantong sa pagkakamit ng Pransiya ng mga lupain na may malapit na ugnayang politikal at kultural sa Catalonia.

Unang Krusada

Ikalawang Krusada

]Ikatlong Krusada

]Ikaapat na Krusada